Masbate niyanig ng paglindol

Ni MJ SULLIVAN

Niyanig ng paglindol ang probinsya ng Masbate at kalapit lugar nito, ngayong umaga ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, dakong alas-10:27 ng umaga nang tumama ang magnitude 4.0 na natukoy ang sentro sa layong 006 km hilagang kanluran ng San Fernando, Masbate.

May lalim itong 079 km at tectonic ang naging origin.

Naramdaman ang intensity IV sa lungsod ng Masbate, Masbate.

Habang sa instrumental intensities ay naramdaman ang intensity IV sa syudad ng Masbate, Masbate at intensity III sa Monreal at Batuan, Masbate samantalang intensity I naman sa Cataingan, Masbate; lungsod ng Legazpi, Albay at Bulusan, Sorsogon.

Wala namang naitalang danyos ang nasabing lindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.

Leave a comment