Pagdami ng umaalis ng bansa patuloy na dumarami –BI

BI Commissioner Norman Tansingco

Ni NERIO AGUAS

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga pasaherong umaalis ng bansa kahit nagtapos na ang holiday seasons sa Pilipinas.

Ito ay sinabi ng Bureau of Immigration (BI) kung saan nakakapagtala ito ng 30,000 hanggang 31,000 departures kada araw sa lahat ng international airports na mas mataaas sa 21,000 hanggang 25,000 departures na naitala noong unang linggo ng buwan ng Disyembre.

Sa datos ng BI, mula Enero hanggang Disyembre 2023, aabot sa kabuuang 13,224,308 departing passengers ang naproseso ng ahensya kung saan ang buwan ng Disyembre ang tinukoy na peak month sa naitalang 1,201,484 departures.

Mahigit din sa 7 milyong Filipinos ang lumabas ng bansa kabilang ang mga overseas Filipino workers (OFWs) at mga turistang magbabakasyon sa ibang bansa.

“A lot of Filipinos have travelled this year as countries reopened their borders after the pandemic,” sabi ni BI Commissioner Norman Tansingco.

Nabatid na bago ang pandemya, nakapagtala lamang ang BI ng mahigit sa 8 milyong departing Filipinos.

Samantala, ang mga South Koreans ang nakapagtala ng pinakamaraming outbound travel noong 2023 na nasa mahigit sa 1.55 million departures.

Sinundan ito ng mga Americans na nasa 1.19 departures, at Chinese nationals na nasa 406,000 departures.

Leave a comment