PNP, Ihos del Nazareno at mga deboto pinuri ni Senador Mark Villar sa matagumpay na Traslacion 2024

Ni NOEL ABUEL

Pinuri ni Senador Mark Villar ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at ng mga organizers at miyembro ng Ihos del Nazareno at ng mga deboto ng Black Nazarene sa matagumpay na pagdaraos ng Traslacion 2024.

Ayon sa senador, kapuri-puri ang pagtutulungan ng mga ito para matagumpay na maiparada ang 400-year-old black image ni Hesukristo o ang Nazareno mula Quirino Grandstand hanggang sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo na tumagal ng halos 15-oras.

“We owe the success of the Traslacion to the organizers, the members of the Ihos del Nazareno, police officers, and devotees. Ang inyo pong kooperasyon sa selebrasyon ng Traslacion ay nakatulong sa matiwasay na prusisyon ng Nazareno,” ayon sa senador.

Magugunitang ang prusisyon ng Traslacion ay nagsimula sa Quirino Grandstand dakong alas-4:45 ng madaling-araw na dinaluhan ng nasa 6.5 milyong deboto ng Nazareno at natapos ng alas-7:44 ng gabi.

“Ako po ay nagpapasalamat sa ating mga kapulisan, sa mga miyembro ng Philippine Red Cross, at sa lahat ng tumulong upang peacefully nating maihatid pabalik ang Nazareno sa Minor Basilica. Having no record of any major injuries or illnesses speaks volume of the success of the security measures implemented by our police force, medics, and organizers,” sabi ni Villar.

“Nakikiisa po ako sa ating selebrasyon ng Pista ng Itim na Nazareno. I am with you in faith as we commemorate our answered prayers to the Nazarene,” dagdag nito.

Leave a comment