Kinilala ni Senador Cynthia Villar ang tunay na paglilingkod ng Pentecostal Missionary Church of Christ (PMCC) sa mga mahihirap, sa ginanap na International Missionary Day at Home Free Global Crusade ng PMCC (4th Watch) noong Enero 14,2023 (Linggo) sa Quirino Grandstand, Maynila. Si Villar ay isa sa special guest sa okasyon at nagbigay ng pagkilala sa grupo sa patuloy na pagbuo ng pag-asa at pananampalataya.Nasa larawan din sina Senador Francis Tolentino at Senador JV Ejercito.