


Ni NOEL ABUEL
“Magandang balita ito para sa bayan!”
Ito ang masayang pagtanggap ni Senador Robinhood “Robin” C. Padilla sa bagong resolusyon ng Senado para rebisahin ang ilang economic provision ng 1987 Constitution.
Umaasa si Padilla na ang hakbang na ito ay maging dahilan para sa pag-unlad ng bayan at ng mga Pilipino.
“Napakagandang balita po ito para sa bayan. Magkakaroon na po ng bagong sigla ang ating ekonomiya tungo sa pag-unlad ng buhay ng mga Pilipino,” ani Padilla, chairman ng Senate committee on constitutional amendments and revision of codes.
Ani Padilla, matagal na nitong isinusulong ang reporma sa mga economic provisions ng Saligang Batas para pumasok ang pamumuhunan mula sa ibayong dagat – para magkaroon ng trabaho at ibang oportunidad ang mga Pilipino.
Dagdag niya, patunay ang bagong hakbang ng Senado para i-review ang Saligang Batas na tama ang direksyon niya nang ihinain ng kanyang komite ang committee report na nagmungkahi ng pag-amyenda sa 1987 Constitution.
Sinabi naman ni Senador Win Gatchalian na lubos nitong sinusuportahan ang inihaing resolusyon sa Senado na naglalayong pag-usapan ang mga pagbabago sa Saligang Batas ngunit nililimitahan lamang ito sa mga probisyong pang-ekonomiya.
“Noon pa man ay suportado ko na ang pagbubukas ng mga talakayan tungkol sa pag-amiyenda sa ilang mga probisyon ng Konstitusyon upang ganap na maisakatuparan ang potensyal ng ekonomiya ng bansa,” sabi ni Gatchalian.
Ang pahayag ng senador ay kasunod ng kanyang reaksyon sa resolusyong inihain sa Senado sa pangunguna ni Senate President Juan Miguel Zubiri na nagmumungkahi ng mga pagbabago sa ilang economic provisions ng 1987 Constitution partikular na sa Articles XII, XIV, at XVI.
Ang Resolution of Both Houses No. 6 ay naglalayong i-institutionalize ang mga repormang inilatag sa Public Service Act upang manaig ang liberalisasyon sa mga industriya, isulong ang mahusay na paghahatid ng serbisyo, at isulong ang kompetisyon bilang isang pangmatagalang polisiya.
Sa panig naman ni Senador Nancy Binary na dapat na isentro lamang ang pagrebisa sa 1987 sa economic provisions lamang nito.
“Given the economic drive to establish a stronger platform for investments and national development, siguro, as a starting point the Senate can task the sub-committee to provide a forum to a healthy and sensible debate on whether or not there’s a need to amend the constitution. Forcing charter change without the benefit of any public dialogue is the wrong path to take. There should be more sectoral consultations, more public hearings, and let’s listen to the opinions of the common tao. But the dialogue should strictly focus on the economic agenda—bar none,” paliwanag nito.
Ayon kay Binay, sinusuportahan nito ang makabuluhang partisipasyon ng mga tao sa lahat ng sektor ng lipunan at sa mas maingat na paraan kaysa sa sobrang pagmamadali ng people’s initiative.
“Amending even a single word in the constitution should be a result of an informed choice. There should be no shortcuts—that’s why I essentially support the necessity to conduct a wide-range public consultation first rather than a signature-driven campaign that is contentious and not a result of an informed constituency,” ani Binay.
Aniya, sa mga pagbabago sa ekonomiya, natugunan na ng Senado ang tatlong mahahalagang reporma sa ekonomiya na naglalayong palakasin ang ekonomiya at pandaigdigang kompetisyon.
“I understand that there are some provisions that restricts economic growth, that is why we in the Senate amended and passed three vitals laws: the PSA, FIA, RCEP, and the Retail Trade Liberation Act—to attract more investments and be more responsive to economic conditions. Hintayin muna natin pakinggan ang mga isyu mula sa ilang essential sectors. Himayin natin at pag-aralan. Ang mahalaga dumaan ito sa tamang proseso at ‘di shortcut,” giit ni Binay.
