PBBM pinuri ni Sen. Go sa bagong 131 regional specialty centers

Senador Christopher”Bong” Go

Ni NOEL ABUEL

Pinuri ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang patuloy na pagtutulungang pagsisikap na pagdadala ng mga kinakailangang serbisyong medikal sa mga komunidad, partikular sa mga tuntunin ng dalubhasang pangangalagang pangkalusugan.

Sinabi ni Go, principal sponsor at isa sa may akda ng Republic Act No. 11959 na mas Kilala bilang Regional Specialty Centers Act, mahalaga na maipaabot sa taumbayan ang tulong medikal ng pamahalaan.

Kamakailan lamang, inihayag ng gobyerno ang pagtatatag ng 131 bagong specialty centers sa buong bansa.

Sinabi ni Go na ito ay patunay na pagpapatuloy sa pagbibigay ng accessible at de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino.

“As chairperson of the Senate Committee on Health and the vice chairperson of the Committee on Finance, we pushed hard for the budgetary support to make these specialty centers a reality. It is our duty to ensure that every Filipino has access to the best available medical care, especially in specialized fields,” ayon sa senador.

“Sinimulan ang programang ito noong panahon pa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, at nagpapasalamat tayo kay Pangulong Marcos Jr. na naging prayoridad niya at ipinagpatuloy ang pagpapatayo at pagpaparami pa ng mga specialty centers sa buong bansa,” dagdag nito.

“This is where our focus lies, and we hope the government will continue to work tirelessly to achieve these goals,” aniya pa.

Ipinagmamalaki ni Pangulong Marcos ang pagtatatag ng mga specialty centers, na patunay ng hindi natitinag na pangako ng pamahalaan sa kalusugan at kagalingan ng lahat ng Pilipino.

“Noong August 24, 2023, pinirmahan ko ang Republic Act No. 11959, known as the Regional Specialty Centers Act. Ito’y mga ating specialty centers, specialty hospitals sa iba’t ibang lugar,” sa naging video message ni Marcos.

Sinusuportahan ng malaking alokasyon na PhP11.12 bilyon sa taong ito, ang specialty centers ay patunay sa pagtutulungang pagsisikap ng pamahalaan na pahusayin ang kalusugan at kapakanan ng mga Pilipino,

“Ang RA 11959 o ang Regional Specialty Centers Act na ating inisponsor at iniakda kasama si Senate President Migz Zubiri at iba pa naming kasamahan sa Senado ay isang malaking tagumpay sa ating adhikain na maihatid ang de-kalidad na serbisyong medikal sa ating mga kababayan maging sa malalayong komunidad—lalo na sa mahihirap, hopeless, helpless at walang malalapitan maliban sa pamahalaan,” paliwanag pa ni Go.

“Bilang principal sponsor, ako po ang nag-defend nito sa Senado. Nakakuha tayo ng boto na 24-0 sa Senado dahil sang-ayon din po ang ating mga kasamahan na makakabuti po ito para sa lahat, at makakatulong sa mga mahihirap,” ayon pa dito.

Leave a comment