
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng malakas na paglindol ang lalawigan ng Eastern Samar at ang Surigao del Sur, ngayong araw ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Sesimology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, ganap na alas-9:19 ng umaga nang tumama ang magnitude 3.9 na lindol sa layong 046 km hilagang silangan ng Mercedes, Eastern Samar.
May lalim itong 001 km at tectonic ang origin.
Samantala, sunud-sunod namang naitala ang paglindol sa Surigao del Sur na nagsimula ganap na alas-11:40 ng umaga na may lakas na magnitude 3.7 na natukoy ang sentro sa layong 066 km hilagang silangan ng bayan ng Lingig.
Ganap namang alas-12:41 ng tanghali nang maramdaman ang magnitude 2.6 na lindol sa layong 040 km hilagang silangan ng bayan ng Cagwait na may lalim na 023 km.
Ala-1:10 naman ng hapon nang tumama ang magnitude 3.1 na lindol na nasa 100 km hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Wala namang iniulat na nasaktan o nasirang mga gusali at imprastraktura sa nasabing mga paglindol.
