KJC leader Quiboloy idiiin sa Senado

Senador Risa Hontiveros

Ni NOEL ABUEL

Humarap sa pagdinig ng Senado ang ilan sa mga babaeng sinabing inabuso umano ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family, Relations and Gender Equality, humarap ang isang Alyas Amanda na isinalaysay ang sinapit nitong panghahalay umano ni Quiboloy noong menor-edad pa lamang ito.

Ipinatawag ni Senador Risa Hontiveros, ang chairman ng komite, at siyang naghain ng Senate Resolution no. 884, inilatag nito an

g probisyon ng Expanded Anti-Trafficking Act na nagpaparusa sa mga nasa likod ng recruitment at exploitation ng mga indibiduwal partikular ang mga menor-de-edad.

Inakusahan ni Hontiveros si Quiboloy na nang-abuso sa mga miyembro ng KOJC na tinawag na pastorals sa magkakahiwalay na pagkakataon.

Sinabi ni Hontiveros na may ebidensya itonng hawak na may panggagahasa sa menor de edad at pisikal na pang-aabuso sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ.

MAyroon din umanong dalawang babaeng na itinago sa pangalang Sofia at Nina Ukranian na paulit-ulit na pinagsamantalahan sa paniniwalang ang pakikipagtalik kay Quiboloy ay pagsasakripisyo para sa Diyos.

Sa salaysay ng testigong si Alyas Amanda, sinabi nitong hindi nito akalain at labag sa loob nito ang pang-aabuso ni Quiboloy at walang nagawa nang mangyari ang panghahalay.

Isa pang testigo na si Alyas Jerome ang nagsabing noong 12-anyos pa lamang ito ay pinagbenta ito ng mga kakanin ng nasabing grupo at pinag-solicit sa NCR.

Aniya, lahat ng mall sa buong Luzon ay naikot nito dahil sa pagbebenta at pagso-solicit sa mga pampasaherong sasakyan at mga gamit nitong ID ay pawang mga peke lamang at nagre-remit ng P2,000 kada araw.

Nakaranas din umano ito ng pananakit ni Quiboloy kabilang ang pag-untog ng ulo sa pader at inakalang mamatay na.

Leave a comment