3,300 illegal aliens naharang noong 2023 — BI

Ni NERIO AGUAS

Aabot sa 3,300 undesirable at illegal aliens ang napigilang makapasok sa Pilipinas ng Bureau of Immigration (BI) noong nakalipas na taon.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco na kabuuang 3,359 foreigners ang naharang noong 2023 na karamihan ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni Tansingco na maliban sa mga hindi nakapasok dahil sa mga minor infractions, tulad ng pagkabigo sa pag-secure ng entry visa o pagkuha ng return ticket, ang iba pang mga dayuhan ay na-blacklist at pinagbawalan nang makapasok sa bansa dahil sa pagiging undesirable aliens.

Ayon pa sa BI chief, ang karamihan ng mga pinigilang makapasok na dayuhan ay dahil sa posibleng magdala ang mga ito ng krimen.

“As gatekeepers of our country, our officers are duty-bound to see to it that only aliens with legitimate purpose of travel are accorded the privilege to visit the country. Illegal aliens and fugitives are not welcome in the Philippines,” ayon kay Tansingco.

Lumalabas sa talaan ng BI na bukod sa mga nahatulan at hindi tamang dokumentado, kabilang din sa listahan ng mga dayuhan ay naka-blacklist na, mga rehistradong sex offenders (RSOs), wanted na mga pugante, at ang mga bastos at walang galang sa mga opisyal ng BI.

Ipinapakita rin sa istatistika na ang NAIA 3 ang nakapagtala ng pinakamaraming mga dayuhang pinigilan na nasa kabuuang 1,603, na sinundan ng NAIA 1, NAIA 2, Mactan, at Clark na may 1,157, 211, 187, at 143 exclusions, ayon sa pagkakabanggit.

Leave a comment