
Ni NOEL ABUEL
Pinuri ni Magsasaka party-list leader Robert Nazal ang kampanyang “Bagong Pilipinas” sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na nagpapahayag ng kanyang malalim na pagpapahalaga sa pagbabagong pananaw na inilalahad nito para sa bansa.
“The ‘Bagong Pilipinas’ campaign under the leadership of PBBM signifies a bold step towards genuine progress and unity. It is heartening to witness a national initiative that transcends political boundaries and embraces a vision of inclusivity for all Filipinos,” sa pahayag ni Nazal.
Binigyang-diin ni Nazal na ang kampanyang “Bagong Pilipinas” ay nagsisilbing isang aktibong panawagan upang tugunan ang mga pangunahing isyu sa lipunan at umaayon sa mga adhikain ng marami na naghahanap ng positibong pagbabago para sa bansa.
Tinanggap din ni Nazal ang pagbibigay-diin ng pamahalaan sa kampanya sa agrikultura, na tinukoy ang mahalagang papel nito sa paghimok ng transformative agenda ng “Bagong Pilipinas”.
“As the leader of Magsasaka party-list, I appreciate the campaign’s focus on economic transformation, particularly in the agricultural sector. ‘Bagong Pilipinas’ recognizes the pivotal role of farmers and acknowledges the need for sustainable practices that will contribute to the overall development of our nation,” aniya.
Dinagdag din ni Nazal na nagpapahayag ito ng matinding suporta para sa nasabing inisyatiba.
“I stand in solidarity with the ‘Bagong Pilipinas’ campaign and its mission to foster a renewed sense of pride and prosperity for every Filipino. Together, let us work towards building a stronger and more vibrant Philippines,” aniya pa.
