P39.2M road widening project sa Pangasinan natapos na ng DPWH

Ni NERIO AGUAS

Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na pinahusay ang mobility sa pamamagitan ng paggawa ng mga karagdagang lane sa kahabaan ng Pangasinan-Zambales Road sa bayan ng Sual, Pangasinan.

Sa kanyang ulat kina DPWH Secretary Manuel A. Bonoan at Undersecretary Eugenio R. Pipo Jr., sinabi ni DPWH Region I Director Ronnel Tan na natapos na kamakailan ng DPWH Pangasinan 1st District Engineering Office ang widening project ng 2.1-kilometer section ng Pangasinan-Zambales Road sa Barangay Caoayan.

Ang pinalawak na kalsada mula sa dalawang (2) lane hanggang sa apat (4) na lane ay magbibigay-daan sa mas mahusay at mas ligtas na mobility para sa motorista at mapabuti ang paghahatid ng mga produkto at serbisyo.

May kabuuang P39.2 milyon ang inilaan para sa road improvement project na nagsimula sa pagtatayo noong Pebrero 2023 at natapos noong nakalipas na Nobyembre 2023.

Leave a comment