Zambales nilindol

Ni MJ SULLIVAN

Niyanig ng paglindol ang lalawigan ng Zambales ngayong umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, ganap na alas-5:23 ng madaling-araw nang tumama ang magnitude 3.9 na natukoy ang sentro sa layong 041 km timog kanluran ng bayan ng San Felipe, Zambales.

May lalim itong 011 km at tectonic ang origin.

Naitala sa instrumental intensity ang intensity I sa bayan ng San Antonio, Zambales.

Wala namang naitalang danyos ang nasabing lindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.

Leave a comment