
Ni NERIO AGUAS
Nadagdagan ng bilang ng mga tauhan ang Bureau of Immigration (BI) makaraang magtapos sa pagsasanay ang nasa 87 bagong immigration officers.
Sa seremonyang ginawa sa Government Service Insurance System (GSIS) theater, ang Class 25 at class 26 of immigration officers na kumuha ng Border Control Officers Module (BCOM) I sa BI academy sa Clark, Pampanga.
Pinangunahan ni Atty. Ronaldo P. Ledesma, ang hepe ng BI Board of Special Inquiry and Learning and Development Section, na nagsilbing keynote speaker habang sina Immigration officers Ana Lorraine Manalo at Marc Erico Ong ang nagbigay ng valedictory address.
Binigyan-diin ni BI Commissioner Norman Tansingco ang mahigpit na pagsasanay na pinagdaanan ng mga opisyal ng imigrasyon bago ang deployment.
“These new immigration officers have been trained to serve following our core values of patriotism, integrity, and professionalism. We trust that the new batches remain faithful to their duties as defenders of our borders,” sabi nito.
Pinaalalahanan ni Tansingco ang mga bagong tauhan ng BI na tiyakin ang tamang pag-uugali sa mga frontline, at sinabi na hindi nito kukunsintihin ang anumang ulat ng hindi naaangkop o hindi propesyonal na pag-uugali.
Ang nasabing mga bagong immigration officers ay ipakakalat sa iba’t ibang paliparan at pantalan sa buong bansa.
