OFW party list nag-donate ng pagkain at air purifiers sa OFW Lounge sa NAIA

Si OFW party list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino at OWWA Administrator Arnell Ignacio nang opisyal na buksan ang OFW lounge sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan nagbigay ng air purifiers ang kongresista.

Ni NOEL ABUEL

Tuluy-tuloy ang suportang ibinibigay ni OFW party list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na umuuwi at umaalis sa ibang bansa.

Binisita ni Magsino ang bagong OFW Lounge sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kung saan nagbigay ito ng apat na high grade plasma air purifiers upang mapaganda ang hangin dito.

Sa kanyang pagbisita, nagbigay rin ang OFW party list ng lutong bahay na pagkain sa mga OFWs bilang pagpapahalaga sa kanilang pagsusumikap at dedikasyon bago umalis ng bansa para magtrabaho.

“This initiative is in line with her advocacy for the establishment of OFW lounges in all international airports in the Philippines, as highlighted during the budget deliberations at the House of Representatives in September 2023,” sabi ni Magsino.

Nabatid na upang umusad ang pagkakaroon ng OFW lounges sa NAIA ay inihain ni Magsino ang House Resolution 1305 noong nakalipas na Setyembre ng nakalipas na taon.

Enero 16, 2024 nang opisyal na buksan ang OFW lounge, sa tulong ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng Department of Migrant Workers (DMW), ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr), ng OFW Party List, at ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

“We are glad that a daily average of one thousand [1,000] overseas Filipino workers are able to use the OFW Lounge and are being served with free food and drinks, essential amenities, Wi-Fi connectivity, charging docks, power outlets, and a paging system. It was a dream turned into reality as the OFW Party List worked closely with OWWA, DMW, MIAA, and DOTr from September 2023 to January 2024 on the preparations for and renovations on the OFW Lounges in NAIA Terminals 1 and 3. Ako po ay nagpapasalamat sa masisipag na opisyal at kawani ng mga ahensyang ito na sineryoso ang panawagan na magkaroon ng magandang espasyo para sa ating mga OFWs sa ating airport,” pahayag ni Magsino.

Kasamang bumisita sa OFW lounge sina OWWA Administrator Arnaldo “Arnell” Ignacio, OWWA Deputy Administrator Atty. Honey Quiño, DMW Undersecretary Patricia Yvonne “PY” Caunan, MIAA General Manager Eric Jose Ines, MIAA Assistant General Manager Raffy Regular, at NAIA 1 Terminal Manager Arnel Atis.

Naglagay rin ang DOTr sa pamamagitan ng MIAA ng 270-square meter OFW lounge sa NAIA Terminal 3, na kasalukuyang isinasaayos ng OWWA at DMW.

Leave a comment