3 Chinese nationals arestado ng BI-Intel Division

BI Commissioner Norman Tansingco

Ni NERIO AGUAS

Naaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration-Intelligence Division (ID) ang tatlong Chinese nationals na lumabag sa kanilang pananatili sa bansa.

Kinilala ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr. ang mga nadakip na dayuhan na sina Chinese nationals na sina Li Xiaodong, Shi Jiazhu, at Shi Yushuang.

Ayon kay Manahan ang pag-aresto sa mga dayuhan ay base sa ulat na ipinadala ng BI Legazpi District Office sa Ligao City, Albay.

Base sa record verification, natuklasan na ang naturang mga Chinese nationals ay sumailalim sa biometrics para sa health reasons sa Legazpi, ay aktwal na nagtatrabaho sa iba’t ibang kumpanya sa Metro Manila, isang malinaw na paglabag sa kanilang visa limitations.

Ang tatlo ay natagpuan ng mga intelligence agent na nagtatrabaho sa isang hardware at merchandise company sa kabila ng kanilang mga visa.

“Our intelligence efforts, combined with effective operations, ensure that visa violators are identified and apprehended promptly. This operation underscores the importance of strict adherence to visa conditions,” ayon kay Manahan.

Pinuri naman ni BI Commissioner Norman Tansingco ang Intelligence Division sa matagumpay na operasyon para sa pagkakahuli sa mga naturang mga dayuhan at binibigyan-diin ang pangako ng BI na itaguyod ang mga immigration laws.

“The BI remains steadfast in its commitment to enforcing immigration laws and ensuring that individuals comply with visa conditions. This operation is a testament to the effectiveness of our collaborative efforts,” sabi ni Tansingco.

Ang tatlong Chinese nationals ay dinala sa BI office sa Intramuros, Manila para sumailalim sa booking procedures, medical examination, at legal disposition.

Matapos nito ay agad na dadalhin sa BI facility sa loob ng Camp Bagong Diwa, Taguig City ang mga dayuhan habang inihahanda ang resolusyon ng kanilang deportasyon.

Leave a comment