
Ni JV SULLIVAN
Niyanig ng malakas na paglindol ang probinsya ng Surigao del Sur ngayong umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, dakong alas-5:35 ng madaling-araw nang tumama ang magnitude 5.3 na lindol base sa richer scale na natukoy ang sentro sa layong 086 km hilagang silangan ng bayan ng Lingig, Surigao Del Sur.
May lalim itong 001 km at tectonic ang origin.
Naramdaman ang nasabing malakas na paglindol sa intensity II sa Lingig at syudad ng Bislig, Surigao del Sur at intensity I naman sa Hinatuan, ng nasabing lalawigan.
Samantala, nasundan pa ng mahihina at malalakas na paglindol sa Surigao del Sur na pinakamalakas ay magnitude 2.8.
Sinabi pa ng Phivolcs na wala namang naitalang danyos ang nasabing paglindol.
