4-kilometer Bypass Road sa Bukidnon tulong sa turismo — DPWH

Ni NERIO AGUAS

Maaari nang mapakinabangan ng mga lokal at dayuhang turista ang 4-kilometrong bypass road project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lalawigan ng Bukidnon.

Ayon sa DPWH, maganda ang dulot sa pangkalahatang pagpapabuti sa paglalakbay para sa mga lokal at turista sa pagitan ng dalawang munisipalidad ng Damulog at Kadingilan sa nasabing lalawigan.

Binanggit ang ulat na isinumite ni Region 10 Director Zenaida T. Tan, sinabi ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan na nalutas ng bagong kumpletong bypass road ang problema sa transportasyon sa kanayunan at liblib na lugar ng Barangay Maican sa Damulog at Barangay Balaoro sa Kadingilan, Bukidnon.

Ipinatupad sa ilalim ng dalawang bahagi, ang inisyal na pondo na ₱65.6 milyon ay inilabas noong 2022 para sa konstruksyon ng Package 1 na sumasaklaw sa pagbubukas ng kalsada at pagtatayo ng unang 1.37-kilometrong segment nito, kabilang ang 899 metro ng reinforced concrete lined canal na may 375 metro ng slope protection.

Ang ikalawa at pinal na bahagi ay nakumpleto noong 2023 sa halagang ₱96.5 milyon na kinasangkutan ng konstruksyon ng nalalabing 2.6-kilometro ng 3.35-meter wide concrete pavement, na may 2.4 kilometrong reinforced concrete lined canal at 290-lineal meters ng rubble concrete na magiging slope protection.

“Students and employees who travel daily to school and work all the way to the neighboring towns now have easier access to convenient modes of transportation with the completion of the bypass road, thus improving education and employment opportunities for locals,” sabi ni Bonoan.

Ang isinaayos na kalsada ay nagbibigay rin ng mas ligtas, mas mura, at mas mabilis na paraan para sa mga magsasaka na maghatid ng mga produktong pang-agrikultura tulad ng mais, pinya, at kakaw sa mga pamilihan at mga sentro ng distribusyon.

Leave a comment