
Ni NERIO AGUAS
Pinapayuhan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga dayuhang residente na naghahanda para sa paglalakbay sa Lunar New Year na bayaran ang kanilang reentry fee bago umalis ng bansa.
Ang payo ay kasunod ng inaasahang pagdagsa ng mga manlalakbay na pumipila para masigurado ang kanilang reentry fee sa mga immigration cashiers ng departure area sa tatlong NAIA terminals.
“With a notable portion being Chinese residents departing for the Lunar New Year celebrations, the airport experiences a surge in passengers. This could be mitigated if reentry permits are obtained prior to arriving at the airport,” paliwanag ni BI Commissioner Norman Tansingco.
Ang mga residenteng aalis ng bansa ay may kakayahang kunin ang mga permit na ito alinman sa paliparan o anumang opisina ng BI sa buong bansa.
Binigyan-diin pa ni Tansingco na ang pag-secure ng permit nang maaga ay nakababawas sa oras ng pagpoproseso, na nagbibigay sa mga pasahero ng mas maraming oras ng pagpapahinga bago ang kanilang flight.
Para sa karagdagang kaginhawahan, nag-aalok ang BI ng 24/7 na one-stop shop na matatagpuan sa NAIA Terminal 3, kung saan ang mga papaalis na pasahero ay maaaring makapag-secure ng kanilang mga permit.
“Per immigration regulations, foreign nationals registered with the BI, holding valid immigrant and non-immigrant visas, including permanent residents, foreign students, and workers with valid ACR I-cards, are mandated to obtain exit and reentry permits for each departure from the country,” ani Tansingco.
