PBBM at DMW pinuri ng kongresista sa labor claims ng OFWs sa Saudi Arabia

Rep. Ron Salo

Ni NOEL ABUEL

Pinuri ng isang kongresista ang Department of Migrant Workers (DMW) sa matagumpay na pagpapalabas ng hindi nabayarang sahod at benepisyo ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia noong 2015.

Ayon kay KABAYAN party list Rep. Ron P. Salo nagpasalamat ito kay DMW officer-in-charge USec. Hans Cacdac, at sa tulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa mga OFWs.

Nabatid na mula noong Pebrero 6, 2024, hindi bababa sa 843 na tseke na nagkakahalaga ng ₱691.45 milyon ang na-clear ng Landbank, na matagal nang hinihintay ng mga apektadong OFW at kanilang mga pamilya.

“The DMW has worked their fingers to the bone to achieve this milestone. I wish to commend and thank OIC USec. Cacdac, as well as the late DMW Secretary Ople, for their dedication in resolving the labor claims of OFWs in Saudi Arabia through numerous bilateral talks and going through the meticulous process of collating every detail to ensure the rightful claim of each OFW,” pahayag ni Salo.

Ipinaabot ni Salo ang kanyang lubos na pasasalamat kay Pangulong Marcos Jr. para sa kanyang walang tigil na suporta at pangako sa kapakanan ng mga OFWs sa buong mundo.

“We are thankful to President Marcos for his dedication in serving and safeguarding the rights and well-being of OFWs and their families. His strong international and diplomatic relations with the Crown Prince of Saudi Arabia Mohammad Bin Salman led to the swift resolution of the matter and the release of pending salaries, wages and end-of-service benefits,” pahayag pa ni Salo.

Ipinahayag din ng kongresista ang pasasalamat sa Department of Foreign Affairs, sa Philippine Embassy sa Riyadh, sa Overseas Welfare Workers Association (OWWA) at sa lahat ng opisyal ng gobyerno na gumanap ng mahalagang papel sa pagkamit ng tagumpay na ito.

Dagdag pa Salo, ipinaabot nito ang kanyang pasasalamat sa gobyerno ng Saudi Arabia sa pagiging tapat sa kanilang salita, at pagpapahalaga sa mga serbisyo mga OFWs sa pamamagitan ng pagbibigay ng nararapat na kabayaran.

Leave a comment