Surigao del Sur at Negros Oriental niyanig ng lindol

Ni MJ SULLIVAN

Patuloy na niyayanig ng malalakas na paglindol ang lalawigan ng Surigao del Sur makaraang maitala ang magnitude 4.2 na lindol, ngayong umaga ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa datos ng Phivolcs, dakong alas-8:09 ngayong umaga nang tumama ang nasabing paglindol na nakita ang lokasyon sa layong 075 km hilagang silangan ng bayan ng Lingig, Surigao Del Sur at may lalim lamang na 001 km.

Tectonic ang origin at wala namang naitalang danyos ang nasabing paglindol.

Una nito, kagabi ay naitala ang magnitude 5.2 na lindol sa Surigao del Sur.

Alas-10:37 ng gabi nang maramdaman ang malakas na paglindol na ang sentro ay nasa 019 km timog silangan ng Cagwait, Surigao del Sur at may lalim na 038 km at tectonic ang origin.

Naitala ang intensity IV sa Cagwait at Hinatuan, Surigao del Sur at intensity II sa lungsod ng Bislig, ng nasabing lalawigan.

Samantala, sa instrumental intensities ay naitala ang intensity III sa Tandag, Surigao del Sur.

Samantala, ganap namang alas-1:36 ng kaninang madaling-araw nang maitala ang magnitude 3.4 sa probinsya ng Negros Oriental.

Nakita ang sentro ng lindol sa layong 015 km timog kanluran ng bayan ng Valencia, Negros Oriental.

May lalim itong 018 km at tectonic ang origin.

Wala namang inaasahang aftershocks sa mga susunod na mga araw.

Leave a comment