Karapatan ng mangagawa na magwelga, umusad na sa Kamara

Ni NOEL ABUEL

Inaprubahan ng House Committee on Labor and Employment ang draft substitute bill sa House Bill (HB) 7043, na naglalayong palakasin ang karapatan ng mga manggagawa na magwelga.

Ang nasabing komite na pinamunuan ni Rizal 4th District Rep. Juan Fidel Felipe Nograles at inihain ni Deputy Speaker at TUCP party-list Rep. Democrito Mendoza, na may pamagat na, “The right to strike and to engage in concerted peaceful activity is a constitutional right,” at idinagdag na ang 1987 Constitution ay isa lamang sa kakaunting konstitusyon na naggagawad ng naturang karapatan.

Sa ilalim ng panukala, ang pagpapatalsik sa manggagawa ay tatanggalin bilang ‘immediate disciplinary action for non-compliance of orders of the Secretary of Labor and Employment.

Gayundin ang mga manggagawa na nakagawa ng mga iligal na aksyon lamang ay hindi matatanggal sa trabaho, at ang paglahok nito sa welga ay hindi maaaring maging dahilan para ipataw ang disciplinary action; ang parusang pagkabilanggo sa mga paglabag ay hindi na kasama rito, at iba pa.

Binigyan diin ni TUCPbvice chairman Luis Manuel Corral na ang mga panukalang reporma ay may implikasyon sa pandaigdigang merkado ng negosyo at pagtatrabaho.

Ayon dito, ang US global labor policy ay workers-centered, na siyang batayan sa mga negosasyon sa Indo-Pacific economic framework trade map.

Aniya, ikokonsidera ng US Congress ang mga polisiya ng workers-centeredness kapag muli nitong pinahintulutan ang generalized system of preferences (USGSP).

Magpapairal din ang European Union na kanilang generalized system of preferences (EUGSP) sa kanilang bahagi.

“So the pivot of President Marcos to a workers-centered trade regime is what we should take a look at because it is now consistent with international trade practices outside of course of the model of China,” paghimok pa ni Corral sa lupon.

Nagpahayag naman ng suporta ang mga kinatawan ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB) at ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) sa 7043.

Sumang-ayon din ang komite na pagsama-samahin ang mga HBs 839, 1678, 2291, 2547, 3242, 4191 at 6273, na inihain nina Reps. Christian Tell Yap, Patrick Michael Vargas, Eduardo ‘Bro. Eddie’ Villanueva, Keith Micah ‘Atty. Mike’ Tan, Yedda Marie Romualdez, Eric Go Yap, at Teodorico Haresco Jr., na lahat ay naglalayong gawing institusyon ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced workers (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment.

Pagsasama-samahin din ang mga HBs 2600, 3387 at 4757, o ang panukala na mag-aamiyenda sa RA 8759, o ang Public Employment Service Office (PESO) Act of 1999, na inamyendahan, na isasama ang entrepreneurship sa ilalim ng sakop ng batas.

Leave a comment