
Ni NOEL ABUEL
Nanawagan si Senador Cynthia Villar sa PhilRice na tiyaking masusuportahan ang mga magsasaka sa buong bansa para mas higit na maging competitive.
“I am also sponsoring the Rice Tariffication Law (RTL) extension bill and I look forward to Phil Rice support on this,” sabi pa ni Villar sa Department of Agriculture- Phil Rice Annual Review ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seed and Extension Programs.
Sa tulong ng RTL, ayon sa chairperson ng Senate Agriculture and Food Committee, ay naranasan na magkaroon ng mas maraming ani ng palay kada ektarya at mas mababang production cost mula nang ito ay naipasa.
“The national average production per hectare when RTL started in 2019, has been consistently going up-from 3.66 tons per hectare in 2019, to 3.95 tons in 2020, and 4.19 tons per hectare, in 2023,” sabi ni Villar.
Sa ilalim ng RTL, kailangang pangunahan ng Phil Rice ang RCEF Seed Program at co-lead ito sa RCEF Extension Program.
Ang PhilRice ay nagpasigla at nagpalakas ng mga kooperatiba ng magbibigas para ang mga ito ay maging seed producers upang suportahan ang pamamahagi ng mataas na kalidad na binhi ng bansa.
Nakapagtatag din ang ahensya ng 756 PalaySikatan Technology Demonstration sites sa 404 na mga lungsod at munisipalidad na matatagpuan sa 58 mga probinsiya sa ilalim ng kanyang extension service mandate.
Sinabi ni Villar na ilan sa target goals ng PhilRice ang pagsasagawa ng malalim na research at development sa mas magandang uri ng palay at magkaroon ng breeder, foundation, at registered seeds ng inbreds.
Dapat din aniyang pagbutihin ang sistema ng pamimigay nito sa mga mag sasaka at sa tulong ng mga local government units (LGUs) para mapaigting ang implementasyon ng nasabing batas.
Taong 2019 nang ipinasa ni Villar ang Republic Act No. 1120 o RTL, na nagtanggal ng quantitative restriction sa rice imports at itinabi ang taunang P10 billion mula tariff na kinolekta sa bigas ng RCEF.
Ipinunto pa ng senador na nagiging competitive ang rice industry dahil sa RCEF.
“Thirty percent (30%) or P3 billion of the RCEF is allotted to give inbred rice seeds for planting by PhilRice, while 10% is allotted for extension services for ATI, TESDA, PHILMECH AND PHILRICE to teach farmers how to reduce cost of inputs, and to reduce wastage to yield more and increase income,” pahayag pa ng senador.
