Kudeta hindi totoo

Ni NOEL ABUEL
Umugong ang balitang magkakaroon ng kudeta sa Senado at sinasabing nakatakdang palitan si Senate President Juan Miguel Zubiri.
Ngunit magkakasunod na itinanggi ng senador ang usap-usapang papalitan si Zubiri bilang pinuno ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Pinangunahan ni Senate Pro-Tempore Loren Legarda at Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pagtatanggol kay Zubiri sa pagsasabing suportado ang liderato nito at walang sinumang miyembro ng Senado ang naghahangad na maagaw ang posisyon ng huli.
“There’s no leadership change as far I know. And we have are support behind the leadership of Zubiri,” sabi ni Legarda sa ambush interview.
Sinabi naman ni Villanueva na walang sinuman sa mga ito ang dapat na pumalit kay Zubiri dahil sa naniniwala ito sa pamumuno ng kasalukuyang liderato.
“When you talked about the word kudeta, it has negative connotation, it is what it is. At this point in time wherein we have not come on this kind of situation for the past 100 years, na ang Senate ginigiba, ang Senate as institution ay nandito sa gitna ng pagsubok. ‘Yung timing medyo off,” sabi ni Villanueva.
“As far I concerned and as far as members of the majority na nakausap natin for the past 24 hours we are solid with Migs Zubiri. Walang mas deserving at this point in time to lead the Senate other than our Senate President Zubiri,” dagdag pa nito.
Nang tanungin si Villanueva kung saan nanggaling ang nasabing usapin ay wala itong binanggit na grupo.
“Mahirap mag-speculate, pero alam natin kung anoang nangyayari. Alam din natin kung saan nanggagaling may mg hirit at birada araw-ara. Alam naman natin kung saan nanggagaling,” ayon pa kay Villanueva.
Ayon naman kay Senador Sonny Angara, intriga lamang ito at nagmula lang ito sa labas ng Senado.
“I don’t know of any. I was not approached. Kung meron man I don’t think it will succeed. Tingin ko ‘yung nang-iintriga galing labas ng Senado,” sabi ni Angara.
Samantala, may maikling pahayag ni Zubiri, sinabi nitong tuluy-tuloy lamang ang trabaho nito at walang sinabi hinggil sa sinasabing pagpapalit sa liderato ng Senado.
“Trabaho lang kami, focus on the job,” aniya pa.
