3-storey Convention Center sa La Union natapos na ng DPWH

Ni NERIO AGUAS

Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highway (DPWH) ang isang multilevel Convention Center project sa San Fernando City, La Union.

Sa kanyang ulat kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, sinabi ni DPWH Region I Director Ronnel Tan na natapos na ang multiyear construction ng three-storey multi-purpose building na may kabuuang floor area na 2000 square meters sa Barangay Sevilla at nai-turn over na sa ang lokal na pamahalaan ng San Fernando City.

Itinayo na may kabuuang halaga na P280 milyon, ang Convention Center ay nagtatampok ng natatanging disenyo ng arkitektura na hango sa iconic na destinasyon ng surfing ng La Union.

Maaari itong tumanggap ng hanggang 1500 indibidwal at nag-aalok ng isang lugar para sa iba’t ibang mga kaganapan, exhibits, at mga programa ng pamahalaan sa naturang surfing capital.

“The La Union Convention Center is anticipated to not only serve as a hub for various gatherings but also contribute to the region’s economic growth by attracting out-of-town visitors to attend conventions, meetings, seminars, and tradeshows” sabi ni Bonoan.

“This project is a testament to the “Bagong Pilipinas” program by providing state-of-the-art infrastructure for the benefit of the general public,” dagdag pa ng kalihim.

Ang pagkumpleto ng proyekto ay magbibigay ng makabuluhang karagdagan sa socio-cultural facilities ng La Union.

Leave a comment