Chinese fugitive naaresto sa NAIA

Ni NERIO AGUAS

Inaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Chinese national na pinaghahanap ng mga awtoridad sa Beijing dahil sa pagiging takas sa hustisya.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang dayuhan na si Zhnag Xianfa, 36-anyos, na naaresto noong nakalipas na Pebrero 14 sa immigration departure area ng NAIA Terminal 3.

Sinabi ni Tansingco na sasakay sana si Zhang sa Cebu Pacific flight papuntang Guanzhou, China nang harangin ng mga opisyal ng BI na matapos lumabas sa database ng ahensya na may mga derogatory records ito.

Kasunod nito, itinurn-over ang dayuhan sa mga tauhan ng border control and intelligence unit (BCIU) ng BI bago dinala sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Sinabi ni Tansingco na hinihintay na lamang ni Zhang ang kanyang paglipad patungong China dahil sa naglabas ng deportation order ang BI board of commissioners noong Mayo 2023 dahil sa pagiging undesirable alien.

Ayon pa sa BI, isa lamang ang nasabing dayuhan sa 16 na Chinese nationals na hiniling ng mga awtoridad ng China na ipa-deport dahil sa mga krimeng ginawa ng mga ito sa China.

Ang lahat ng iba pang 15 Chinese nationals ay inutusan ding ipatapon ng BI palabas ng bansa.

Sinabi ni Tansingco na si Zhang ay agad na dadalhin sa Beijing sa sandaling matiyak ng BI ang mga kinakailangang clearance para sa kanyang deportasyon.

Inilagay na rin sa immigration blacklist order si Zhang upang hindi na makapasok sa Pilipinas.

Leave a comment