
Ni NOEL ABUEL
Idinepensa ng mga kongresista ang madalas na isinasagawang pulong balitaan sa Kamara sa pagsasabing layon nito na malaman ng taumbayan ang mga ginawa ng mga ito.
Ikinatuwiran ng mga mambabatas sa pangunguna ni Deputy Speaker at Isabela Rep. Antonio “Tonypet” Albano, ang kahalagahan ng araw-araw na pulong balitaan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil ito umano ang nagbibigay ng impormasyon sa publiko hinggil sa mga plano, at mga nagawa ng Kapulungan para sa kapakanan at benepisyo ng sambayanang Pilipino.
Pahayag pa ni Albano, ang madalas na mga press conference ay plinano sa pagsisimula pa lamang ng ika-19 na Kongreso, para ipabatid sa mamamayan ang mga ginagawa ng Kongreso, kabilang ang mga tagumpay sa lehislasyon, at iba pang mga responsibilidad.
“These daily press conferences are therefore warranted and no one has the right to question and ask us to stop these. In fact, anyone who criticizes these daily press conferences that we do should stop interfering with our important work of making known the legislative accomplishments and agenda of the House of the people,” aniya.
Sinabi naman ni Cagayan Rep. Ramon Nolasco Jr. na ang tagumpay ng Kamara ay 94.7 hanggang 100 porsiyento, na lahat ng 17 prayoridad na panukala na binanggit sa 2023 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
na inaprubahan sa ikatlong pagbasa.
“So as you can see, the House is actually six months in advance to the next SONA of our President when it comes to the 17 priority measure bills that the President has told Congress to approve,” ani Albano.
Ang natitira pang prayoridad na mga panukala na aaksyunan ng mga kongresista ay ang Electric Power Industry Reform Act, Budget Modernization Bill at ang National Defense Act.
Idinagdag ni Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing na inaprubahan din ng Kamara ang 472 lokal na panukala.
“As congressmen, I think what sets us apart is we have particular constituencies that we take care of. That’s why we would also like to highlight the hundreds and hundreds of local bills that we have passed on third reading,” aniya.
Hinimok din ni Albano ang publiko at ang media na makinig at dapat na ganap na mabatid at maipabatid ang mga mahahalagang impormasyon na ibinabahagi ng mga mambabatas sa araw-araw na press conferences.
Nanawagan ito sa iba pang institusyon na magdaos ng kanilang sariling press briefings para sa kaalaman ng mga mamamayan, hinggil sa kanilang mga tungkulin, responsibilidad at tagumpay sa kanilang mga nagawa.
