
Ni NOEL ABUEL
Namahagi ng mga bagong sasakyang pangisda si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at si Tingog party-list Rep. Yedda Romualdez sa nsa 50 mangingisda sa Navotas City para makatulong sa mga ito na makapaghanapbuhay.
Isinagawa ang pamamahagi ng 50 brand-new fishing boats sa Navotas Sports Complex kung saan masayang tinanggap ito ng mga mangingisda na nagpasalamat kina Romualdez sa ibinigay na pantulong sa mga ito.
Kasama nina Romuladez na namigay ng tulong sina Navotas Rep. Tobias “Toby” Reynald M. Tiangco, Mayor John Reynald “John Rey” M. Tiangco, at Vice Mayor Tito M. Sanchez gayundin ng mga city councilors at barangay officials.
Maliban sa mga bangka, nakatanggap din ng P5,000 ang nasa 1,000 fisherfolk na nasa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations program (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa kanyang pahayag, nagpasalamat naman si Rep. Yedda Romualdez sa pakikipagtulungan sa mga lokal na opisyal at sinabing anng kasipagan at dedikasyon ng mga mangingisdang taga-Navotas.
Binigyang diin nito ang kahalagahan ng naturang mga inisyatiba, na nagsasabing ang Tingog party-list at si Speaker Romualdez ay nakatuon sa patuloy na suporta sa mga mangingisda.
“Sa ating mga minamahal na mangingisda, kayo po ang tunay na yaman ng Navotas. Sa inyong patuloy na pagsusumikap sa araw-araw, asahan ninyo na laging nakaagapay ang Tingog party list,” sabi ni Rep. Yedda.
