Chinese national na may kasong kidnapping naharang ng BI

Ni NERIO AGUAS

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Chinese national na kinasuhan ng pagdukot at pagkulong sa isang kababayan nito sa Pampanga tatlong taon na ang nakararaan.

Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinilala ng border control and intelligence unit (BCIU) ang pasahero na si Hu Zhen, 25-anyos, na naharang noong nakalipas na Lunes sa NAIA Terminal 3 bago ito makasakay sa kanyang flight papuntang Singapore.

Iniulat ng BCIU na pinigilan si Hu sa pag-alis matapos kumpirmahin ng mga immigration supervisor na naka-duty na ito ay napapailalim sa isang outstanding hold departure order (HDO) na inisyu ng regional trial court sa Angeles City.

“He is required to his court case before he can have his name lifted from the bureau’s hold departure list, as he claimed that said case was already dismissed,” sabi ni BI-BCIU overall deputy chief Joseph Cueto.

Gayunpaman, base sa rekord, ang kaso ng kidnapping at serious illegal detention para sa ransom ay isinampa laban kay Hu at sa tatlong iba pang Chinese nationals sa Angeles City RTC Branch 56 noong Marso 30, 2020.

Inakusahan ng prosekusyon na noong Pebrero 28, 2020 ang apat na akusado ay nagsabwatan sa paglabag sa batas at marahas na pagdukot, pagkulong sa isa pang Chinese na lalaki sa pamamagitan ng puwersa.

Mahigit dalawang linggo umanong binihag ng mga akusado ang biktima at humingi ng ransom na 300,000 Renminbi para sa kanyang paglaya.

Gayunpaman, nakalayan ito nang iligtas ng mga pulis mula sa anti-kidnapping task ng PNP noong Marso 15, 2020.

“His attempt to flee was foiled by our officers. Because of his existing HDO, we cannot allow him to leave until he faces the case filed against him,” ayon sa BI chief.

Leave a comment