SUBUKAN N’YO!!

Nangangambang mapatalsik sa kanyang tungkulin ireng isang city prosecutor at kanyang assistant city prosecutor ng Department of Justice sa lalawigan ng Aurora, sa oras ng maisampa ng isang pamilya ang kanilang reklamo sa Office of the Ombudsman.
Bukod dito, balak din ng naturang pamilya na magsampa ng disbarment complaint laban sa naturang mga prosecutors sa Integrated Bar of the Philippines dahil sa paglabag sa Lawyer’s Oath at iloang Canons ng Code of Professional Responsibility.
Alam n’yo, mga padrino ko, ibinasura nireng dalawang prosecutors ang apat na kasong kriminal na inihain sa kanilang tanggapan nireng pamilya base lamang sa walang kuwentang dahilan kaya naisip nilang magsampa ng kasong gross incompetence at gross ignorance of the law and jurisprudence sa Office of the Ombudsman.
Biro n’yo, ang isang kasong inihain ng naturang pamilya ay ibinasura o dinismis ng mga prosecutors dahil sa ang isang miyembro ng pamilya na nagsampa ng kaso ay inaanak daw sa binyag ng kanilang inireklamong ahente ng lupa. Sus, ginoo!
At ang isang kaso ay kanilang ibinasura dahil sa ang tanging may karapatan daw na magsampa ng kasong paglabag sa Building Code ay ang building official lamang ng lugar samantalang ang pamilyang nagsampa ng reklamo ay malinaw na naperhuwisyo nireng ahente. Tsk, tsk, tsk!
At sa isa pang kasong isinampa ng pamilya ay ibinasura gayong walang counter-affidavit na isinumite ang kanilang kalaban bagay na inamin ang kanilang kasalanang nagawa.
Ang isa pang kaso ay ibinasura ng mga hindoropot na prosecutors dahil sa gusto lang nilang ibasura ito! Susmaryosep na prosecutong, este, prosecutors!!!
Naniniwala akong marami pang ganireng uri ng prosecutors sa DOJ dahil sa matinding katiwalian na umiiral sa ating gobyerno.
Pero merong katapusan ang lahat. Umaasa pa rin akong ang katiwaliang ito ay magwawakas lalo na kapag ang mga tiwaling tauhan ng pamahalaan ay napaparusahan.
Parusahan sila!!!
Malinaw na nakasaad sa Section 6 (g) ng Republic Act No. 9994 (RA No. 9994) o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, na ang isa sa functions ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) ay “To assist the senior citizens in filing complaints or charges against any individual, establishments, business entity, institution, or agency refusing to comply with the privileges under this Act before the Department of Justice (DOJ), the Provincial Prosecutor’s Office, the regional or the municipal trial court, the municipal trial court in cities, or the municipal circuit trial court.”
Hindi sinabi ng naturang batas na doon sa OSCA o sa Office of the Mayor o kahit ano pang ahensya ng gobyerno, isasampa ang reklamo o criminal complaint ng senior citizen laban sa establisimiyento o tao na lumabag sa batas.
Lalong hindi binigyan ng batas ang OSCA ng quasi-judicial function para dinggin o magsagawa ng preliminary investigation ukol sa paglabag sa alin man sa probisyon ng batas o ng IRR (implementing rules ang regulations) nito.
Ang intindi ko ay ang paglabag sa RA No. 9994 ay isang criminal offense na maaari lamang isampa sa Prosecutor’s Office o idaan sa law enforcement agency na siyang magsasampa.
Ang Office of the Mayor o iba pang ahensya ay para sa kasong administratibo lamang kasi maari ring ipakansela ang license to operate o business permit ng establisimyento na tahasang lalabag sa batas na RA No. 9994.
Dapat alam ito ng mga abugado lalo na ng mga prosecutor sa ano mang sulok ng bansa!
Abangan!!!
Kung meron mang dapat bigyan ng quasi-judicial function na didinig sa paglabag ng mga karapatan ng senior citizens sa ilalim ng batas partikular na itong RA No. 9994 ay walang iba kundi tong National Commission of Senior Citizens (NCSC).
Alam n’yo, mga padrino ko, napatunayan na nitong NCSC Chairman and Executive Officer Atty. Franklin M.. Quijano, ang kanyang pagmamalasakit sa senior citizens kung kaya’t dapat lamang na mabigyan pa siya ng malawak pang obligasyon at kapangyarihan para maprotektahan niya ang mga karapatan nating senior citizens.
Bigyan ng quasi-judicial function ang NCSC!
Binabati ko na maligayang kaarawan ang si Past Grand Knight Emil Bernabe, ng Knights of Columbus Council No. 9926, Sto. Niño de Molino, Bahayang Pag-Asa, Molino V, Bacoor City, Cavite.
Happy birthday, PGK Emil!
Para sa komentaryo: dodorosario@yahoo.com
