
Ni MJ SULLIVAN
Magkasunod na nakaranas ng paglindol ang lalawigan ng Davao Occidental at Occidental Mindoro ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, alas-6:09 ng umaga nang tumama ang magnitude 4.8 na lindol sa layong 266 km timog silangan ng Sarangani Island, sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
May lalim itong 067 km at tectonic ang origin.
Samantala, alas-12:38 ng madaling-araw nang maramdaman ang magnitude 4.4 na lindol sa Occidental Mindoro.
Nakita ang lokasyon ng lindol sa layong 022 km kanluran ng Lubang, Occidental Mindoro at may lalim na 033 km at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang danyos ang nasabing mga paglindol at wala na ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.
