Paglalagay ng slope protection sa Ingalera River sa Calasiao, Pangasinan natapos na ng DPWH

Ni NERIO AGUAS

Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang slope protection works para tugunan ang mga problema sa pagbaha sa kahabaan ng Songkoy Section ng Ingalera River, sa Calasiao, Pangasinan.

Sa kanyang ulat kina DPWH Secretary Manuel M. Bonoan at Undersecretary Eugenio R. Pipo Jr., sinabi ni DPWH Region I Director Ronnel Tan na ang pagkumpleto ng 338-meter slope protection sa Baranggay Songkoy ay nagsisiguro sa kagalingan at seguridad ng mga residenteng nakatira malapit sa Ilog Ingalera.

“The series of slope protections completed along the Ingalera River is essential for disaster risk reduction, environmental conservation and the overall safety of the communities,” sabi ni Tan.

Ang P48.9 milyong flood mitigation na ipinatupad ng DPWH Pangasinan 4th Sur District Engineering Office ay nagsimulang itayo noong Pebrero 2023 at natapos noong Nobyembre 2023.

Sa pagkumpleto ng proyekto, ang mga residente ay maaari na ngayong magtamasa ng higit na seguridad, alam na ang kanilang mga tahanan, lupang sakahan at mga ari-arian ay protektado laban sa mga panganib na dulot ng ilog malapit sa kanilang komunidad.

Leave a comment