
Ni NOEL ABUEL
Iginiit ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na tatanggapin ng Kamara ang Resolution of Both Houses No. 6 na isinusulong sa Senado upang patunayan na mali ang haka-haka na “politically motivated” ang nais ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ito ang pahayag ni Romualdez sa opening remarks sa kauna-unahang pagdinig ng House Committee of the Whole sa RBH7.
Ang tinutukoy nito ay ang resolusyong iniharap sa Senado nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senador Loren Legarda at Juan Edgardo Angara.
Sa House version, ang RBH No. 7, ay iniakda ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. at iba pang pinuno ng Kamara.
“Now, to dispel doubts that the efforts of the House of Representatives in pushing for the amendment of the economic provisions of the Constitution is politically-motivated, we are adopting all the three proposed amendments of the Senate version of Resolution of Both Houses No. 6, in toto,” sabi ni Romualdez.
“Malinaw po sa ating lahat ang misyon natin ngayon. Baguhin ang ilang economic provisions na pumipigil sa pagpasok ng mga negosyo mula sa ibang bansa. Mga negosyong lilikha ng trabaho at magpapasigla ng ating ekonomiya,” aniya pa.
Dinagdag pa ng lider ng Kamara na hindi pulitika kundi ekonomiya ang isinusulong ng mga kongresista sa pag-amiyenda sa economic provisions.
Ikinalungkot ni Romualdez na habang isinusulong nito at ng iba pang miyembro ng Kamara ang pag-amiyenda sa mga probisyon sa ekonomiya ng Charter, inaakusahan ang mga ito ng tutol sa mga mahahalagang repormang ito.
“Categorically, we are denying this unfounded and baseless accusation. Wala po tayong hinangad sa Kapulungang ito kundi ang kabutihan ng Sambayanang Pilipino. And we work night and day to make this happen,” aniya.
“This should assure the public that Congress is only touching on the economic provisions that need to adapt with the changing times. There is absolutely nothing in RBH 7 that hovers on any political provision of the Constitution,” pahayag pa ni Romualdez.
