
Ni NOEL ABUEL
Idineklara ni Speaker Ferdinand R. Marcos Jr na ipaprayoridad ng Kamara ang panukalang magdedeklarang legal ang operasyon ng motorsiklo bilang public transportation vehicles at reporma sa kasalukuyang regulasyon ng transportation network vehicle service (TNVS).
Alinsunod sa mga kamakailang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinabi ni Romualdez ang pagbibigay-prayoridad sa House Bill (HB) 3412, na inihain nina 1-Rider party list Reps. Rodge Gutierrez at Bonifacio Bosita.
Ang hakbang na ito ay direktang tugon sa adbokasiya ni Pangulong Marcos para sa mas maraming opsyon sa transportasyon para sa mamamayang Pilipino, na ipinakita ng kanyang suporta sa legalisasyon ng mga motorcycle taxi at pagpapagaan ng mga regulasyon ng TNVS.
Ang paninindigan ng Pangulo ay kanyang ipinahayag kasunod ng pakikipagpulong sa mga opisyal mula sa Grab Holdings Inc. sa Malacañang, na binibigyan-diin ang pangangailangan para sa magkakaiba at madaling ma-access na mga solusyon sa transportasyon.
“The maintenance of peace and order, the protection of life, liberty, and property, and the promotion of the general welfare are foundational to our democracy. It’s imperative to adapt our laws to the evolving transportation landscape to ensure the well-being and convenience of our citizens,” sabi ni Romualdez.
Nilalayon ng panukalang batas na tugunan ang mga legal na hadlang na kasalukuyang pumipigil sa paggamit ng mga motorsiklo bilang mga common carriers.
Ang inisyatiba na ito ay nakikita rin bilang isang hakbang tungo sa pagiging pormal ng katayuan ng mga motorcycle taxi, na tumatakbo sa ilalim ng pilot testing sa Metro Manila at Cebu mula noong 2019.
“Marami na pong kababayan natin ang nabigyan ng trabaho at kabuhayan mula sa industriya ng motorcycle taxis. Panahon na pong kilalanin sila bilang responsableng bahagi ng lipunang Pilipino at mabigyan ng sapat na regulasyon para mapangalagaan ang interes ng mamamayan,” paliwanag pa ng House leader.
Ang motorcycle taxi bill ay nakikita rin bilang tugon sa mabilis na pag-unlad ng App-Driven Transport Network Companies, na nagpapakita ng pangangailangan para ma-update ang regulasyon na sumasabay sa mga pagsulong ng teknolohiya at umuusbong na mga pangangailangan ng publiko.
Ang iminungkahing batas ay inaasahang mapapadali ang mas mahusay na regulasyon, mapahusay ang mga pamantayan sa kaligtasan, at makatutulong ng malaki sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa pagkatapos ng pandemya.
“The legalization of motorcycle taxis and the relaxation of TNVS regulations align with our goals to provide more choices for passengers, drivers, and businesses, particularly MSMEs. This approach not only addresses the demand for more accessible public transport but also contributes to the economic recovery and employment opportunities in the country,” pahayag pa ni Romualdez.
