9,000 job vacancies bubuksan sa Mega Job Fairs sa Caloocan City

Ni JOY MADELEINE

Sa ikatlong pagkakataon, muling magsasagawa ng mega job fairs ang lungsod ng Caloocan sa araw ng Huwebes, Pebrero 29 sa Bulwagang Katipunan para sa mga naghahanap ng trabaho.

Sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO), mahigit sa 9,000 job vacancies ang bubuksan para sa mga job seekers.

Sinasabing ang Mega Job Fairs ay bahagi ng month-long celebrations ng Caloocan City na nagdiriwang ng ika-62 taong anibersaryo bilang lungsod.

Muling hinikayat ni City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang kanyang mga job seekers na kunin ang mga oportunidad sa trabaho sa lokal at ibayong dagat na ibinibigay ng mga katuwang na kumpanya ng pamahalaang lungsod habang tinitiyak sa lahat ang patuloy na pagsasagawa ng mga job fair at local recruitment activities sa buong taon.

Ang mga interesadong aplikante ay pinapayuhang magdala ng mga valid IDs at updated na resumé sa nasabing job fairs na bubuksan ganap na alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon sa ikatlong palapag ng Bulwagang Katipunan.

Leave a comment