Dagdag na buwanang grocery discount para sa seniors at PWDs malapit nang matamasa– Speaker Romualdez

Ni NOEL ABUEL

Iniulat ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na malapit nang matamasa ng mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs) ang pagtataas sa P500 kada buwan na diskuwento sa mga groceries at iba pang pangunahing bilihin bago matapos ang buwan ng Marso.

Ito ay matapos na makipagpulong ang mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pangunguna ni Undersecretary Carolina Sanchez kay Romualdez at nagsabing sang-ayon ito sa kahilingan ng huli para sa karagdagang diskuwento para sa mga nakatatanda at PWD at ito ay ipatutupad sa susunod na buwan.

Naunang hiniling ni Romualdez na itaas ang 5 porsiyentong diskuwento na tinatamasa ng mga nakatatanda at PWD bawat linggo sa mga pamilihan, na kasalukuyang nilimitahan sa kabuuang halaga ng pagbili na P1,500, na nangangahulugang lingguhang diskwento na P65, na nagsasabing hindi na ito angkop dahil sa tumataas na cost of living.

“I am delighted to welcome the imminent implementation of increased discounts for our senior citizens and PWDs,” sabi ni Romualdez.

Binanggit ni Romualdez na ang mga senior citizens ay matatanggap ang back-to-back bonanza dahil nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang batas ang Republic Act 11982, o ang Expanded Centenarian Act na nagbibigay ng P10,000 cash na regalo sa isang matatandang mamamayan kapag naabot na ang edad na 80 at bawat limang taon pagkatapos hanggang sa edad na 95.

“This initiative to provide additional discounts for senior citizens and PWDs demonstrates the commitment of President Marcos to promoting inclusivity and social justice,” aniya.

Binigyan-diin nito na ang pamunuan ng Kamara ay mahigpit na nakikipagtulungan kay Pangulong Marcos upang makamit ang kanyang pananaw na bumuo ng isang mas mahabagin at pantay na lipunan.

“We’re working so that the usual P65 per week discount for senior citizens and PWDs may be increased to P125,” sabi ni Sanchez.

Nangangahulugan ito ng pagtaas sa P500 kada buwan mula sa kasalukuyang P260 buwanang diskuwento sa mga groceries at premium items na tinatamasa ng mga matatanda at PWDs.

Ngunit nilinaw ni Sanchez na ang diskuwento ay sakop lamang sa basic goods at prime commodities, o bigas, mais, tinapa, Karen, isda, manok, itlog, mantika, asukal, gulay, prutas at gatas.

Sakop din nito ang manufactured goods tulad ng mga processed meat, sardinas, at corned beef.

Ang mga senior citizens at PWDs ay magkakaroon din ng mga karagdagang diskuwento sa mga pangunahing kagamitan sa konstruksiyon, tulad ng semento, hollow blocks, at mga electrical supplies, kabilang ang mga ilaw.

“I commend the efforts of the DTI and other concerned agencies for their diligence and commitment to advancing this crucial initiative. Their dedication to ensuring the timely implementation of these increased discounts is truly commendable and reflects our shared vision of a more inclusive and caring nation,” pahayag ni Romualdez.

Leave a comment