Surigao del Sur niyanig ng magkakasunod na lindol

Ni MJ SULLIVAN

Niyanig na malalakas at magkakasunod na paglindol ang ilang lugar sa probinsya ng Surigado Del Sur na naitala ngayong araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), pinamalakas na tumamang lindol na naitala sa magnitude 5.4 dakong alas-8:23 ng umaga.

Nakita ang sentro ng lindol sa layong 077 km timog silangan ng Cagwait, Surigao Del Sur at may lalim na 015 km at tectonic ang origin.

Naramdaman ang intensity V sa Hinatuan, Surigao Del Sur at intensity IV sa lungsod ng Bislig, Surigao Del Sur.

Bago nito, ganap na alas-8:10 ng umaga nang maramdaman ang magnitude 5.3 na lindol sa layong 083 km timog silangan ng Cagwait, Surigao Del Sur pa rin.

Naitala ang intensity V sa Hinatuan, Surigao Del Sur at iIntensity IV sa Bislig, Surigao Del Sur habang sa instrumental intensities ay naitala ang intensity II sa syudad ng Bislig.

Ganap naman alas-9:40 ng umaga nang muling yanigin ng lindol ang nasabing lugar sa lakas na magnitude 4.3.

Nasundan pa ito ng ilang mahihinang paglindol kung kaya’t nagbabala ang Phivolcs na maging handa sa inaasahan pang aftershocks sa mga susunod na mga araw.

Leave a comment