
SUBUKAN N’YO!!!
Ipinaaabot ni Worthy Grand Knight Alejanrdo Divinasflores, ng Knights of Columbus Council No. 15957, Inay Maria ng Magnificat Parish, Camella, Springville, Molino III, Bacoor City, Cavite, ang kanyang taos-pusong pasasalamat kina Presidente Ferdinand R. Marcos, Jr. at Senator Bong Go, dahil sa kanilang naiambag na malaking tulong sa pagpanaw ng kanyang kapatid na si Julieta Divinasflores-Monelar.
Pumanaw si Julieta Divinasflores-Monelar, 63, noong Pebrero 25, at ang kanyang mga labi ay nakaburol sa Sasctuario Divino, Bacoor City, Cavite.
Pansamantalang itinakda ang libing sa Marso 4.
Maraming salamat po sa inyo, PBBM at Sen. Go!
Mabuhay kayo!!!
Hindi ako binigyan ng senior citizen discount sa isang bantog na fast-food restaurant na nasa North Luzon Expressway kahapon (Pebrero 29) kasi “promo” na raw ang aking in-order. Tsk, tsk, tsk!
Naging adbokasiya ko na ang makatulong na ipatupad ang batas partikular na ang Republic Act No. 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, dahil maraming establisimiyento ang tahasang lumalabag dito. Sadya kasi itong nilalabag ng mga establisimiyento kaya hindi protektado ang karapatan ng senior citizens sa ilalim nitong nabanggit na batas.
Sa Section 4 ng RA No. 9994, ay sinasabing “In the purchase of goods and services which are on promotional discount, the senior citizen can avail of the promotional discount or the discount provided herein, whichever is higher,” na ang ibig sabihin ay dapat pinapipili ang senior citizen kung tatanggapin n’ya ang iniaalok na “promo” o ang regular price nito at ibawas ang value added tax exemption at ang 20% senior citizens discount.
Bukod dito, mga padrino ko, obligadong irehistro muna ng resto ang kanilang “promo” sa Department of Trade and Industry para mabigyan ng permit ito at kapag wala nito ay hindi valid ang “promo” na ang ibig sabihin.
Ilang taon nang kumakain ako sa ibang branches nireng resto at talagang may senior discount ako. At kahapon lang ako nakaranas sa isang NLEX branch nireng resto at talaga nga namang katapang nireng management na lumbago sa batas partikular na ang RA No. 9994! Sus, ginoo!!
Pero hinayaan ko na lang ito sa panloloko sa senior citizens at umaasa na sa susunod na mapadpad ako sa kanyang lugar ay matuto na sana siyang igalang ang batas.
Abangan!!!
Para sa komentaryo: dodorosario@yahoo.com
