Davao del Sur, Surigao del Sur at Sorsogon nilindol

Ni MJ SULLIVAN

Magkakasunod na nakaranas ng paglindol ang ilang lugar sa Sorsogon, Davao del Sur at Surigao del Sur ngayong araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ganap na alas-2:27 ng hapon nang maramdaman ang magnitude 3.1 na ang sentro ay nasa layong 005 km hilagang kanluran ng Magsaysay, Davao del Sur.

May lalim itong 001 km at tectonic ang origin.

Naiulat sa instrumental intensities ang intensity I sa lungsod ng Digos at Matanao, Davao del Sur.

Ganap namang alas-9:00 ng umaga nang maitala ang magnitude 3.5 sa layong 050 km hilagang silangan ng Prieto Diaz, Sorsogon na may lalim na -13 km at tectonic din ang origin.

Ganapa namang alas-2:51 ng madaling-araw nang maramdaman ang magnitude 4.4 sa layong 030 km timog silangan ng Marihatag, Surigao del Sur.

Leave a comment