Benepisyo ng foreign ownership ng education institutions tinukoy ng CHED

Ni NOEL ABUEL

Tinukoy ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga benepisyo na maaaring pakinabangan kapag pinahintulutan ang dayuhang pag-aari ng mga institusyong pang-edukasyon.

Sa pagpapatuloy ng pulong ng House Committee of the Whole, binanggit ni CHED chairman Dr. Prospero de Vera III na kung papaano ang ibang mga bansa sa Asya ay, “opening up (to foreign) ownership and control of educational institutions in higher education has made (these institutions) more competitive in their internationalization efforts.

“the Philippines is one of the very few countries in the region that has restrictions in foreign ownership and participation in higher education,” dagdag nito.

Binanggit nito na ang Malaysia at Singapore bilang modelo ng mga bansa, ay hindi lamang inamiyendahan ang kanilang mga batas na pahintulutan ang mga banyagang kumpanya na lumahok sa kanilang istraktura ng higher education, kundi nagbigay rin sila ng mga insentibo na humihikayat sa mga dayuhang paaralan na magtayo at lumahok sa probisyon ng higher education.

Ayon kay De Vera, naninindigan ang CHED sa liberalisasyon ng sistema ng higher education, na dapat ay isinasama rin ang probisyon ng mga insentibo, upang mahikayat ang mga dayuhan at banyagang kumpanya na buksan ang higher learning institutions sa bansa.

Binanggit naman ni Atty. Joseph Noel Estrada, chief legal counsel ng Congressional Commission on Education II o EDCOM II, kung papaano ang, “The Philippines is the one of the strictest countries in terms of foreign ownership in the ASEAN region. Singapore, Malaysia, Vietnam, Myanmar, Laos, and Cambodia permit full foreign ownership.”

Aniya, ang Pilipinas lamang ang may mahigpit na patakaran sa dayuhang pag-aari, pagtatatag at enrollment na nakasaad as Konstitusyon, na binanggit sa Article XIV Section 4.

“Foreign equity participation in educational institutions cannot exceed 40% except those established by religious groups or mission boards. Educational institutions exclusively for aliens, diplomatic personnel and their dependents may only be established in the Philippines via legislation,” ayon kay Estrada.

Idinagdag nito na ang dayuhang enrollment ay may pagkakaiba-iba sa mga miyembrong bansa ng ASEAN, mula sa maximum na 33% o one third ng enrollment sa educational institutions sa Pilipinas, hanggang sa minimum na 100% sa Singapore.

“Some countries like Malaysia do not have a foreign enrollment minimum or maximum,” aniya.

Ikinumpara si Estrada ang Pilipinas sa Singapore, Malaysia at Thailand sa usaping maximum foreign ownership ng mga educational institutions, at nadiskubre na ang Pilipinas ay pinahihintulutan lamang ang 40%, habang tatlong bansa ang nagpapahintulot ng 100% foreign equity participation.

Sumang-ayon ito sa suhestiyon ni De Vera, na binabanggit na ang Pilipinas ay hindi nagbibigay ng anumang insentibo sa paglahok ng mga dayuhan sa educational institutions, hindi katulad ng mga bansa sa ASEAN.

Sinabi ni Estrada na maaaring ikonsidera ng mga mambabatas na linawin ang mga layunin ng pamahalaan sa usapin ng pagbubukas ng edukasyon sa ganap na pag-aari ng mga dayuhan at iangat ang kumpetisyon upang mapaunlad ang kalidad ng edukasyon, at iba pa.

Ang ilan pang mga mungkahi ni Estrada ay: 1) for government to consider giving incentives and doing policy adjustments; 2) strengthening the capacity of DepEd, CHED and TESDA in their ability to regulate the entry of poor quality institutions; 3) use research by industry; at 4) opportunity to review government regulations in a way that enables quality institutions to thrive.

Para naman sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), sinabi ni Atty. Kimberly de Asas, kinikilala ng ahensya ang pangangailangan na baguhin ang mga polisiya sa ekonomiya ng bansa upang makatugon sa hinihingi ng umuunlad na globalized age, habang kinokonsidera ang pangangalaga sa Filipino First Policy, na siyang gabay sa mga probisyong pang-ekonomiya ng Konstitusyon.

Tiniyak nito sa mga mambabatas na, “of the agency’s readiness to provide its utmost support” para sa liberalisasyon ng pag-aari ng educational institutions.

Nagpahayag naman ng suporta ang ilang opisyal ng mga tanggapan ng pamahalaan para sa amyenda, na binabanggit ang mga benepisyo na mapapakinabangan dito ng bansa.

Leave a comment