Gasoline Cannon

SUBUKAN N’YO!!!!

Kahirapan ng buhay ang idinahilan ng isang habal rider na inaresto sa Barangay Matandang Balara, Quezon City, dahil sa pagtutulak ng shabu.

Hoy, marami sa atin ang naghihirap dahil sa namamayagpag ang katiwalian sa pamahalaan pero hindi kami nagtutulak ng droga, gago!

Dapat sa mga nahuhuling tulak ng illegal drugs ay igapos sa poste at pasinghutin ng 100-kilong shabu para maging “high” sila! Sus!

High na lalagapak sa impyerno!!!


Apat na crew members ng Philippine vessels na kinabibilangan ni Vice Admiral Alberto Carlos, ang nasugatan nang muling bombahin sila ng water cannon ng hindoropot na China Coast Guard.

Makailang-ulit nang ginawa ito ng China Coast Guard sa atin mula noong Duterte administration. Ilang ulit na rin tayong nag-protesta sa mga pambu-bully nila pero tiyak na hindi titigil ang mga hinayupak ng tsekwang ito hanggang sa makamatay ng sila. Tsk, tsk, tsk!

Sa halip na protesta na binabalewala ng China, kailangan na ang marahas na aksyon dito.

Dapat ay ideklarang persona non grata ang embahada ng China dito sa Pilipinas. Para mapilitang lumayas ang mga hinayupak!

Palayasin!!!

                            *** 

Napapanahon na para lumaban ang bansa sa pambu-bully ng China sa atin sa West Philippine Sea. Para na rin ipagtanggol ang ating teritoryo ng nais angkinin ng mga hindoropot.

Palagan na ireng China Coast Guard na namihasa na sa kanilang pananakot na water cannon.

Sus, ginoo!

Tutal naman ay nakahanda na ang ilang bansa para saklolohan ang Pilipinas sakaling labanan ang China.

Para ganap nang matigil ang bullying ng China ay magbaon ang Philippine Coast Guard ng panlaban nila sa water cannon ng China Coast Guard. Magbaon din sila ng cannon.

Alam n’yo ba ang dapat na ibala sa cannon ng Philippine Coast Guard, mga padrino ko?

Hindi tubig ang ibala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang baon na cannon. Kundi 100-drum ng gasolina!

Bombahin nila ng gasolina ang mga barko ng China Coast Guard at silaban nila ang mga ito hanggang sa magliyab!

At magmistulang selebrasyong muli ng Chinese New Year sa West Philippine Sea! Ang saya, saya!! Hehehe!

Silaban!!!


Magdadala ng 20 wheelchairs at mga gamot at bitamina na nagkakahalaga ng P20k ang Knights of Columbus Bishop Felix Perez ACN 2357, Bacoor City, Cavite, para ipamahagi sa mga nangangailangang kapus-palad sa Luna, La Union sa Abril 13.

Ito ang inihayag nina Worthy Faithful Navigator Wenceslao N. Antaran, Jr. at Program Director Sir Knight Avelino Galutan, kamakailan.

Ang tinaguriang “Forever Young of Luna, La Union” ay sinimulan noong Abril, 2023 ni Past Worthy Faithful Navigator Cesar V. Laguda, na siyang kasalukuyang Faihful Admiral.

Ang Subukan N’yo! ay saludo sa proyektong ito para makatulong sa ating mga kababayang may kapansanan at yaong mga kapus-palad.

Abangan!!!


Para sa komentaryo: dodorosario@yahoo.com

Leave a comment