Political amendment imposible — Rep. Garin

Ni NOEL ABUEL

Siniguro ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin na hindi mangyayari ang political amendments sa Saligang Batas at sinabing karamihan sa mga miyembro ng Kamara ay pabor lamang sa pag-amiyenda sa Articles XII, XIV, at XVI.

“The political amendments are very impossible… Talking to most members of the House, almost all of them who support the bill are limited doon sa tatlong amendments,” sinabi ni Garin sa isang pulong balitaan sa Kamara.

“No political amendments. Definitely hindi naman ‘yan maglolokahan sa floor. The voice of the people and the voice of the majority of the members of Congress will be carried,” dagdag pa ng mambabatas.

Nitong Miyerkules, inaprubahan ng Committee of the Whole ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 pagkatapos ng anim na araw ng mga pagdinig kung saan pinakinggan ng mga mambabatas ang mga testimonya ng mga resource person na dalubhasa sa larangan ng edukasyon, ekonomiya, at batas.

Dadalhin ng Kamara ang RBH No. 7 sa plenaryo para sa deliberasyon sa Marso 11 at umaasa na maipasa ang resolusyon sa ikalawang pagbasa sa Marso 13.

Muling iginiit ng mambabatas na ang RBH No. 7 ay makatutulong sa pagpapabuti ng buhay ng mga Pilipino dahil magkakaroon ng mas maraming oportunidad sa trabaho, mas mataas na suweldo, at abot-kayang utility kung ang mga dayuhang mamumuhunan papasok sa bansa ang mga dayuhang mamumuhunan at iginiit na ang reporma sa Saligang Batas ay nakatuon lamang sa pagbubukas ng ekonomiya.

“Kung ang Constitution ay masyadong nakakahon, at sa bilis ng galaw ng mundo ay talagang maiiwan ka… Economic Charter change is all about flexibility,” ani Garin.

“The direction of the current administration is not to taint the law, not to taint the proposed measure… This is all about our economy,” dagdag pa nito.

Naniwala naman si Garin na kailangan lamang ng sapat na oras ng Senado para tanggapin ang mga pagbabagong ito.

Leave a comment