Surigao del Sur, Davao Occidental at Davao Oriental niyanig ng paglindol

Ni MJ SULLIVAN

Niyanig ng magkakasunod na paglindol ang ilang lalawigan ng Mindanao ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ganap na alas-12:54 ng madaling-araw nang tumama ang magnitude 4.2 na lindol na nakita sa layong 058 km hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur at mababaw lamang na 002 km at tectonic ang origin.

Naramdaan ang intensity I sa lungsod ng Bislig, Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, ang nasabing lindol ay aftershock ng 7.3 na lindol na tumama sa nasabing lalawigan noong Disyembre 2023.

Samantala, alasa-11:30 ng umaga nang yanigin ng magnitude 4.3 na lindol ang Davao Occidental.

Nakita ang sentro ng lindol sa layong 088 km timog silangan ng Sarangani Island sa bayan ng Sarangani.

May lalim itong 101 km at tectonic ang origin.

Sa instrumental intensities, naitala ang intensity I sa Don Marcelino, Davao Occidental; at Malungon, Sarangani.

Ganap namang alas-5:39 ng madaling-araw nang tumama ang magnitude 4.8 ng lindol sa layong 075 km hilagang silangan ng Baganga, Davao Oriental.

Naitala ang intensity I sa Baganga, Caraga, at Manay, Davao Oriental; Maragusan, Nabunturan, Montevista, at Pantukan, Davao de Oro; lungsod ng Bislig, Surigao del Sur.

Sa instrumental intensity ay naramdaman ang intensity I sa Nabunturan, Davao de Oro.

Leave a comment