
Ni NOEL ABUEL
Nagpahayag ng pakikidalamhati ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa sinapit na kamatayan ng dalawang Filipino seafarers sa ginawang pag-atake ng rebeldeng Houthi sa sinasakyang barko ng mga ito sa Gulf of Aden.
Ipinarating ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pakikiramay sa mga naiwang pamilya ng nasabing dalawang Pinoy seafarers makaraang tamaan ng missile ang sinasakyang M/V True Confidence ng mga ito.
Ang pag-atake, na nagmamarka ng unang nakamamatay na pagsalakay ng militanteng grupong suportado ng Iran sa Red Sea, ay nagresulta sa pagkasawi ng hindi bababa sa tatlong crew, kabilang ang dalawang Pilipino, at malubhang pinsala sa dalawa pang mga tripulanteng Pilipino.
“Our hearts go out to the families and loved ones of the Filipino seafarers who lost their lives in this senseless and tragic attack. Their dedication and sacrifices while serving aboard the M/V True Confidence will always be remembered and honored,” sabi ni Romualdez.
Tiniyak ng lider ng 300 plus strong ng Kamara na mabilis na ibibigay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kinakailangang tulong at suporta sa mga pamilya ng mga nasawi at mga nasawing crewmen.
“We stand in solidarity with President Marcos, the Department of Migrant Workers and the Filipino seafarers affected by this heartbreaking incident. It is imperative that we extend all possible assistance to the families of the victims and ensure that the injured receive the necessary medical care and support,” ayon pa sa Speaker.
Nanawagan din ang House leader na magkaroon ng masusing imbestigasyon sa nasabing pag-atake at hinimok ang international community na kondenahin ang naturang karahasan na target ang mga inosenteng sibilyan at maritime vessels.
“We call for a comprehensive investigation into this heinous attack and urge the international community to condemn these cowardly acts of violence,” giit nito.
“The safety and security of Filipino seafarers must remain a top priority, and we must work together to prevent such tragedies from occurring in the future,” dagdag pa ni Romualdez.
Habang nagluluksa ang bansa sa pagkawala ng mga mandaragat nito, muling pinagtibay ni Romualdez ang pangako ng administrasyong Marcos na pangalagaan ang kapakanan at karapatan ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
“We assure the families of the victims and the Filipino people that the government will spare no effort in ensuring that justice is served and that measures are in place to safeguard the well-being of our overseas Filipino workers,” sa pahayag ni Romualdez.
