Bawas presyo sa produktong petrolyo ngayong linggo

Ni MJ SULLIVAN

Magpapatupad ng bawas presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong linggo.

Ayon sa magkahiwalay na abiso ng Seaoil Philippines Corp. at Pilipinas Shell Petroleum Corp., sinasabing P0.50 per liter ang ibababa ng presyo ng gasoline habang P0.25/L sa diesel, at P0.30/L sa kerosene sa araw ng Martes.

Magpapatupad din ng tapyas sa presyo ang Cleanfuel at Petro Gazz, maliban sa kerosene na walang paggalaw.

Nauna nang sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, na ang rollback ay bunsod ng fluctuating demand concerns sa China at Amerika, at ang mataas ng supply ng langis mula sa mga bansang hindi kasapi ng OPEC.

Noong nakaraang linggo, nagkaroon ng taas-presyo sa gasolina ng P0.50 kada litro habang nabawasan naman ang diesel ng P0.40, at maging ang kerosene ng P0.35.

Mula Enero hanggang Marso 5, nagkaroon na ng net increase ng P5.95 kada litro sa preyo ng gasolina, P4.05 kada litro sa diesel, at P0.05 naman sa kerosene.

Leave a comment