Pag-amiyenda sa Procurement Law tutuldukan ang kurapsyon — Sen. Angara

Ni NOEL ABUEL

Tiwala si Senador Sonny Angara sa patuloy na pagsisikap na baguhin ang dalawang dekada nang Government Procurement Reform Act (GPRA) na magreresulta sa higit na kahusayan sa pagpapatupad ng mga proyekto, pagbili ng mga kalakal at suplay at pagbawas, at inaalis ang mga paraan para sa katiwalian.

Pagkatapos ng tatlong pagdinig at 10 technical working group meetings at buwan ng konsultasyon sa 13 panukala na may kinalaman sa mga iminungkahing pagbabago sa Republic Act 9184 o ang GPRA, sinabi ni Angara, bilang chairman ng Senate Committee on Finance, ay nag-sponsor ng ulat sa Senate Bill 2593, ang pagbubukas ng daan para sa simula ng mga debate sa plenaryo.

Ang nasabing panukala na kasama sa prayoridad ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), ang mga pag-amiyenda sa GPRA ay inaasahang hindi lamang i-streamline ang proseso ng government procurement kundi pati na rin upang gawing mas epektibo ito.

“R.A. 9184, authored by my father, the late Senate President Edgardo Angara, was a landmark piece of legislation— recognized and lauded globally, including the World Bank. While it was able to institute key reforms in the government procurement process, over time individuals with evil intent have managed to find loopholes to exploit, costing the public billions that could have been spent on more productive endeavors,” pahayag ni Angara.

Nilinaw ng senador na ang pag-aaksaya ay hindi dahil sa katiwalian kundi maging sa inefficiencies ng mga government entities at ang procurement process sa kabuuan.

“We have seen agencies whose procurement of basic supplies take an inordinate amount of time to complete. There is a lack of true competition among bidders and oftentimes agencies are unable to undertake the procurement of goods due to poor planning or they are tied up by the procedures under the law,” ayon pa kay Angara.

Sa 2019 World Bank analysis sa Philippine procurement data, natuklasan na kung ang Pilipinas ay nagpatupad ng mahigpit na procurement strategies and policies, nakatipid ng 29 porsiyento ng kabuuang gastos sa pamimili.

Aniya, kung isasaalang-alang ang mga taon na sakop ng pag-aaral mula taong 2014 hanggang 2018, posibleng aabot sa P1.2 trilyon ang matitipid ng bansa.

“Ito’y aming sinama para ang gobyerno mismo ang mauuna sa pagsuporta ng mga ‘Tatak Pinoy’ na industriya para mas mabilis sila maging globally competitive,” sabi ni Angara ang principal author at sponsor ng R.A. 11981 o ang Tatak Pinoy Act.

Alinsunod sa Tatak Pinoy at sa pagsisikap na hikayatin ang mas maraming microenterprises at startups na lumahok sa procurement program ng gobyerno, sinabi ni Angara na ang GPRA ay magbibigay daan para sa isang mas inklusibong proseso sa pamamagitan ng pagtiyak na may pantay na pagkakataon para sa malaki at maliliit na negosyo.

“Inaasahan namin na ang pagsasabatas ng reporma sa GPRA ay hindi lamang bibilis ang procurement ng gobyerno, ito’y magiging mas epektibo rin. At sa ganitong paraan, iigting ang kapasidad ng gobyerno para tugunan ang pangangailangan ng sambayanang Pilipino. At kapag lalong gumanda at bumilis ang pag-responde, mas lalalim ang tiwala at panatag ng loob ng taong bayan sa ating gobyerno,” paliwanag pa ni Angara.

Leave a comment