
Sa pagtalima sa Fire Prevention Month, pinangunahan ni Senador Cynthia A.Villar, kasama ang Las Piñas City Bureau of Fire Protection, ang fire safety seminar at fire drill demonstration sa Las Piñas noong nakalipas na Sabado, Marso 10.
Ni NOEL ABUEL
Umapela si Senador Cynthia Villar sa publiko na maging responsable upang maiwasan ang sunog na madalas mangyari tuwing panahon ng tag-init.
Sa kanyang pananalita sa 2024 Fire Prevention Month celebration sa Villar Foundation Hall sa Las Piñas City nitong Sabado, Marso 9, sinabi ni Villar na nakapaloob ang mga ugaling ito sa tema ng pagdiriwang sa taong ito- “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa.”
“I believe that instead of depending on our fire fighters to put off fires, everyone must be responsible to avoid causing fires,” ani Villar.
Aniya, sa ilalim ng Proclamation No. 115-A, idineklara noong 1966 ang Marso na “Fire Prevention Month” dahil ito ang simula ng summer season sa Pilipinas.
“And based on the Philippine statiatics, fire incidents in the country increases during March,” sabi pa ni Villar.
Sa Pilipinas, ang mga pangunahing sanhi ng sunog ay ang mga sirang electrical connections at electrical overloading, naiwang nakasinding kandila o stove o oven, upos ng sigarilyo at pag-imbak ng combustible materials gaya ng pintura.
“So we have to be check on these causes of fires. We have also been embarking on activities to increase awareness and knowledge of residents and communities in preventing fires,” dagdag pa niya.
Ipinunto ni Villar ang mga datos mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) na nagpapakita na 25 porsiyento ang pagtaas sa bilang ng sunog sa dalawang unang buwan ng taong ito.
“Simula Enero 1 hanggang Marso 1, mayroon na tayong 3,044 sunog. Sa parehong panahon noong 2023, nagkaroon tayo ng 2,424 sunog,” sabi ng senador.
Sa buong taon ng 2023, may 15,900 sunog na 21 porsiyento ang taas sa 13,133 sunog noong 2022.
Ayon sa senador, layunin nitong pababain ang bilang ng sunog upang tiyakin ang kaligtasan ng taumbayan.
“So we are continuously reminding our people about the causes of fires and how to prevent them particularly during this Fire Prevention Month,” panawagan pa ni Villar.
Sa nasabing okasyon, idinaos para sa publiko ang Fire Safety Lecture na may mga paksa na Fire Causes, Development Stages; Classes of Fire and Contributing Factors; Good housekeeping on Cooking and keeping LPG; Electrical Fire Safety at Home, Exit Drills In The Home or EDITH (Emergency Drill In The Home)at Fire Suppression Methods gamit ang mga ordinaryong bagay.
Nagkaroon din ng Fire Extinguishment Drills ang fire personnel mula sa BFRV Fire Station at C5 Fire Station.
