
Ni NOEL ABUEL
Niratipikahan na ng Senado ang panukalang batas na naglalayong madagdagan ang teaching allowance ng mga public school teachers sa buong bansa.
Sa bicameral conference committee sa Senate Bill No. 1964 at House Bill No. 9682 o ang “Kabalikat sa Pagtuturo” Act, na tinayuan ni Senador Ramon Bong Revilla Jr., chairman ng Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation.
Sa ilalim ng nasabing panukala, mula P5,000 ay magiging P10,000 ang matatanggap na chalk allowance ng mga guro.
“This victory belongs to you and to all the youth you embrace and enrich with your service,” ani Revilla.
“Our dear teachers have long waited for the passage of this measure that institutionalizes the granting of the teaching allowance. From the very beginning, we recognize their incomparable sacrifice and concern for our students whether inside or outside the school,” dagdag nito.
Naging saksi ang mga kinatawan ng Department of Education (DepEd), Alliance of Concerned Teachers (ACT), Teachers Dignity Coalition (TDC), at ang Philippine Public School Teachers Association (PPSTA), nang ratipikahan ang bicam report.
Lubos ang pasasalamat ng mga ito kay Revilla na ngayon ay maituturing nang kampyon ng mga guro.
Pangako ni Revilla na hindi ito ang wakas, bagkus ay simula pa lamang ng marami pang mga hakbang at pagsasamahan sa walang mintis na pagsulong ng mga kahalintulad na reporma.
