Mga kongresista kay VP Duterte: Pigilan ang pag-atake ng ama kay PBBM

Ni NOEL ABUEL

Umapela ang ilang kongresista kay Vice President Sara Duterte na tumulong sa pagpigil sa mga pag-atake ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kina House Committee on Muslim Affairs at Lanao del Norte Rep. Mohamad Khalid Dimaporo at House Assistant Majority Leader at La Union Rep. Francisco Paolo P. Ortega, bilang mataas na lider ng gabinete ay dapat na tumulong ni VP Duterte kay Pangulong Marcos.

Sa press briefing sa Kamara, tinanong si Dimaporo sa kanyang saloobin sa pagharap ni VP Duterte sa isang prayer rally kahapon para sa SMNI na mabilis na naging isang anti-Marcos gathering.

“From what I heard and saw, VP Sara was among the crowd talking to the people. We don’t really know what is her purpose there,” ani Dimaporo.

“I would want to believe that her purpose is to at least neutralize the former president na huwag naman masyadong masipag ‘yung banat kay President Bongbong Marcos because she is still his Cabinet secretary for education,” dagdag nito.

Sinabi ni Dimaporo na dapat maghari ang kapayapaan sa banal na buwan ng Ramadan, at umaasa itong makatutulong si VP Duterte na mabawasan ang mga pag-atake ng kanyang ama laban kay Pangulong Marcos.

“I hope that being his daughter, our former president, President Duterte will somewhat be, in a way, parang tapered down or like dialogue can open, because this hasn’t helped anybody. This is the holy month of Ramadan,” ayon pa kay Dimaporo.

“And with regards to the prayer rally, is it an opposition, is it something to be worried about? Kami naman we’re from Mindanao so basta lang walang armas, walang crossfire, walang violence and you know there’s no harm,” sabi pa nito.

Ayon naman kay Ortega, nababahala ito sa naging pahayag ng dating pangulo sa sinasabing prayer rally.

“Minsan mellow, minsan mainit na, umiinit ng umiinit pero the personalities who are there should be the personalities who are first and foremost na dapat nandiyan na tutulong sa gobyerno para ayusin ‘yung mga problema natin,” ani Ortega.

“Hindi ‘yung dadagdagan pa ‘yung mga political tension. Mas marami pong malalaking problema ‘yung bansa kaysa sa mag-uumpisa tayo with political problems, political accusations. ‘Yung mga hindi na po kailangan na sinasabi sa entablado, it will only agitate the public,” dagdag nito.

“I encourage them na tulungan natin ‘yung gobyerno natin. Tulungan natin si Presidente Bongbong Marcos kasi ang aga po ng pulitika. Tulungan po natin ‘yung bansa,” apela pa nito.

Leave a comment