
Ni NERIO AGUAS
Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtatayo ng bagong gusali ng opisina na nakikitang sumusuporta sa operasyon ng Philippine Fiber Industry Development Authority (PHILFIDA) na may mandato na isulong ang paglago at pag-unlad ng industriya ng fiber sa bansa.
Sa kanyang ulat kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, sinabi ni DPWH National Capital Region Director Loreta M. Malaluan na may alokasyon na P25 milyon, ang DPWH Las Piñas-Muntinlupa District Engineering Office (DEO) ay nagpatayo ng 4-storey PHILFIDA Building na may roof deck sa kahaban ng Aria Street, Barangay Talon 2, Las Piñas City.
“This new PHILFIDA Building is fully-equipped with necessary amenities to provide a conducive office environment for the employees and officials of PHILFIDA who do research, production, processing, marketing and trade regulation to promote country’s natural fibers which include abaca, piña, and bursi, among others,” sabi ni Malaluan.
Ayon dito, ang PHILFIDA Building Project ay sumasaklaw hindi lamang sa pagtatayo ng gusali, kundi pati na rin sa sanitary at plumbing works nito para sa supply ng tubig; supply ng kuryente na may kumpletong pag-iilaw at network system; at mga mechanical features na nagbibigay ng mas mahusay na bentilasyon gamit ang isang air-conditioning system.
Bukod dito, naglagay ng PWD-friendly elevator sa gusali, kasama ang CCTV para sa security system; isang fire protection system na may smoke detector at sprinkler kung sakaling may emergency.
Ang bagong gusali ay mayroon ding perimeter fence na may ilaw sa mga dingding; mga tarangkahan; isang guard house; isang drainage system at parking space.
Mayroong ding generator bilang suporta sakaling nawalan ng supply ng kuryente .
