Suporta ng Czech Republic sa Pilipinas sa WPS pasalubong ni PBBM — Romualdez

Ni NOEL ABUEL

Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa matagumpay na biyahe nito sa ibang bansa at nanindigan ang pagpapatibay ng bansa sa paninindigan sa West Philippine Sea at nangangako na makabuluhang pahusayin ang mga kakayahan sa pagtatanggol ng bansa.

Nabuo ito matapos makuha ni Pangulong Marcos ang suporta ni Czech Republic President Petr Pavel sa isyu ng South China Sea (SCS) sa kanilang bilateral meeting, partikular sa paggalang sa kaayusan na nakabatay sa mga patakaran at pagtiyak ng free and open navigation sa lugar.

Binanggit ni Romualdez na bukod sa iba pa, tinalakay ng dalawang lider ang higit pang pagpapalakas ng kooperasyon sa iba’t ibang larangan tulad ng depensa at cybersecurity, gayundin ang paggamit at pagpapaunlad ng mga makabagong teknolohiya.

“The exceptional diplomatic efforts of President Marcos paid off with the expression of full support of President Pavel to the stance of the Philippines in defense of our right and sovereignty in the West Philippine Sea,” sabi ni Romualdez.

“Support from countries like the Czech Republic significantly reinforces the Philippine position and amplifies the international voice dismissing China’s sweeping claims over the area. It could also help promote a rules-based approach to resolving maritime disputes by international law, particularly the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS),” dagdag pa ng lider ng mahigit 300 kongresista.

Si Romualdez ay miyembro ng opisyal na delegasyon ni Pangulong Marcos para sa kanyang 4 na araw na state visit sa Czech Republic.

“As to South China Sea we fully support the Philippines when it comes to their entitlement to free movement of goods and also very intense support because that’s a principle that, not only we all respect but, which also secures global and regional stability,” sabi ni Pavel ss joint press conference ng dalawang lider matapos ang bilateral meeting.

Binigyan-diin ni Pavel ang napakahalagang mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon, na binanggit na ang anumang pagkagambala ay magkakaroon ng masamang epekto sa ekonomiya hindi lamang sa Czech Republic kundi pati na rin sa buong Europe.

Ayon sa pagtataya ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD), humigit-kumulang 80 porsiyento ng pandaigdigang kalakalan sa dami at 70 porsiyento sa halaga ay dinadala sa pamamagitan ng dagat.

Sa nasabing halaga, 60 porsiyento ng kalakalang pandagat ang dumadaan sa Asya, kung saan ang South China Sea ay nagdadala ng tinatayang one-third ng global shipping.

Gayundin, pinuri ni Romualdez ang Pangulong Marcos para sa kanyang pananaw sa pagsulong ng mga talakayan sa pinahusay na kooperasyon sa depensa, cybersecurity, at modernong teknolohiya sa pagitan ng Pilipinas at Czech Republic.

“Such cooperation can bolster the Philippines’ defense capabilities, enhance maritime security in the region, and contribute to deterring potential threats to our sovereignty and territorial integrity in the West Philippine Sea,” ayon pa kay Romualdez.

Leave a comment